Sunday, 15 December 2013

Mga Tampok na Pagkain sa

Lucban, Quezon

 Unang Pangkat, 7-Vela 

Mga link: PowerPoint Presentation Brochure/Travelogue

Magandang araw! Ang blog na ito ay aming ginawa para sa aming proyekto sa Filipino na ibinigay ng aming guro sa Filipino at Class Adviser, si G. Marvin A. Dawisan. Ang layunin namin sa proyektong ito ay mapa-unlad ang turismo sa Lucban, Quezon, sa pamamagitan ng pagpo-promote ng kanilang masasarap na pagkain!

Sagisag ng Lucban
Mapa na nagpapakita ng lokasyon ng Lucban, Quezon.

Rehiyon: CALABARZON (Rehiyong IV-A)
Lalawigan: Quezon
Distrito: Unang Distrito ng Quezon
Mga Barangay: 32
Pagkatatag: 1578

Pamahalaan
Punong-bayan: Moises B. VillaseƱor
Laki

Kabuuan: 154.15 km2 (59.52 sq mi)

Populasyon (2010)
Kabuuan: 45, 616
Zip code: 4328

May isang ruta papuntang Lucban, Quezon mula sa lungsod ng Mandaluyong, ang S Luzon Expy. Kung maglalakbay ka gamit ang kotse, maglalakbay ka ng 117 na kilometro at tatagal ka ng isang oras at 52 na minuto. Kung maglalakad ka, maglalakad ka ng 117 na kilometro at tatagal ka ng 24 hanggang 26 na oras.
 Ang Bayan ng Lucban ay isang ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 38,834 katao sa 8,422 na kabahayan.
Ang bayan ng Lucban ay nahahati sa 32 mga barangay:
  • Abang 
  • Aliliw 
  • Atulinao
  • Ayuti
  • Barangay 1 (Pob.) 
  • Barangay 2 (Pob.) 
  • Barangay 3 (Pob.) 
  • Barangay 4 (Pob.) 
  • Barangay 5 (Pob.) 
  • Barangay 6 (Pob.) 
  • Barangay 7 (Pob.) 
  • Barangay 8 (Pob.) 
  • Barangay 9 (Pob.) 
  • Barangay 10 (Pob.) 
  • Igang 
  • Kabatete 
  • Kakawit 
  • Kalangay 
  • Kalyaat 
  • Kilib 
  • Kulapi 
  • Mahabang Parang 
  • Malupak 
  • Manasa 
  • May-It 
  • Nagsinamo 
  • Nalunao 
  • Palola 
  • Piis 
  • Samil 
  • Tiawe 
  • Tinamnan 

Ang mga pagkain na nasa mga litrato sa baba ay ilan sa mga tampok na pagkain sa Lucban, Quezon. Madami impormasyon ang nakuha namin at madami kaming natutunan tungkol sa mga ito.

Pancit Habhab o Pancit Lucban
Ang pansit habhab ay ginisang miki na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay. Ito ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.Ito ay pansit na kinakain nang hindi ginagamitan ng kubyertos. Hinahabhab ito. Ito ay nilalagay lamang sa dahon o kaya naman sa bilao. Hindi ito nilalagay sa plato.


Hardinera
Ito ay pagkain na hinahanda para sa mga espesyal na okasyon. Ito at ang embutido ay magkahalintulad. Ang hardinera ay isang putahe na tanyag sa probinsya ng Quezon.   Pangkaraniwan itong makikita sa mga espesyal na okasyon katulad ng fiesta, kasalan o binyagan.

Kesong Puti
Ang isa pang tanyag na pagkain sa lugar ng Lucban ay ang kesong puti. Ang kesong puti ay isang malambot na uri ng keso na gawa sa gatas ng kalabaw, asin, at rennet. Ang kesong puti ay isa sa mga pinakasikat na pagkaing Lucban. 

Pilipit
Isa pang sikat na pagkain sa Lucban ay ang pilipit. Ito ay gawa sa malagkit na bigas na binudburan ng pulang asukal at ipinirito. Ito ay espesyal na pagkain na gawa sa minatamis na kalabasa at galapong. Ito ay kadalasang nagmumukhang '8'.
Longganisang Lucban
Ang Longganisang Lucban ay katutubong longganisa sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas at dahil sa pangalan nito, marahil na ito'y nagmula sa Lucban, Quezon. 

Budin
Ito ay Cassava cake.

Kiping
Pagkaing gawa sa makulay na minatamis na harina. Ito'y ginagagamit na palamuti para sa Pahiyas.


Ang mga pagkaing ito ay makikita sa kalsada kapag Pahiyas Festival. Ito ay tinatawag nilang street food. Ito ay karaniwan ding makikita sa mga kainan sa Lucban,Quezon.

Isang bahay na pinalamutian para sa Pahiyas Festival.

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.



Sa lalawigan ng Quezon mo mararanasan ang isa sa 

pinakamakulay na pistang Pinoy –

ang Pahiyas Festival!Matitikman ang ipinagmamalaking pagkain ng Quezon
tulad ng longganisang Lucban, pancit habhab at iba pa!
Tara na at pumunta sa Lucban,
upang matikman itong mga pagkaing ubod ng sarap!




Inihanda ng mga sumusunod:

Angela Marie Raymundo

Joshua Borja

at
Kim Frances Bamba



(Unang Pangkat sa Vela)